Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang taong 2023 hanggang 2033 bilang "Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas."

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 396 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inihayag ni Marcos na layon ng naturang deklarasyon na palakasin ang nasyonalismo ng mga Pilipino, ang pagrespeto nila sa mga bayani ng bansa, at ang pagmamahal sa bayan.

Kaugnay nito, inatasan ng pangulo ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na manguna sa pagdiriwang ng “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas,” lalo na sa paglulunsad umano ng mga programa, proyekto at aktibidad tungkol dito.

Nakatakda naman umanong ipagdiwang ng NHCP sa Oktubre 23, 2033 ang centennial anniversary o 100 taong pagkakatatag ng hinalinhan nito na Philippine Historical Research and Markers Committee (PHRMC).

National

Akbayan kay VP Sara: ‘Ngayon na lang nagsalita sa WPS, ginamit pang patutsada sa kalaban!’

"[T]he Filipino nation greatly values the almost a century of contributions of the dedicated individuals who make up the NHCP, including historians, researchers, curators, architects, engineers, chemists, conservators, artists, planners, managers, and many others, who all work tirelessly to advance historical research, promote the legacy of esteemed Filipino figures through commemorative events, safeguard and restore historic sites, structures, objects, and properties, show reverence for national symbols, and educate the public about their rich history and heritage," nakasaad din sa proklamasyon.

Samantala, inatasan ang lahat ng government agencies at instrumentalities, kabilang na ang government-owned o government-controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges na suportahan at tulungan ang NHCP sa implementasyon ng naturang proklamasyon.

Hinihikayat din umano ang local government units, non-government organizations, at pribadong sektor na sumuporta at makilahok sa isasagawang pagdiriwang para sa “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas.”