Kinapanayam ni dating Manila City Mayor Isko Moreno si Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Biyernes, Nobyembre 10.

Pero sa isang bahagi ng panayam ay tila si Bernadette ang naging interviewer nang tanungin niya si Isko tungkol sa pagpapalaki ng mga anak.

“Yorme, ngayon may anak kayo, ‘di nila pinagdaanan ‘yun, komportable ‘yung buhay. Bilang isang nagpapalaki naman ng bata, paano ‘yung hindi naman sila lumaki sa hirap?” tanong ni Bernadette.

“Well, mahirap. Because it’s hard for them to understand. Pero modesty aside, they grew up in Tondo. They saw my old house—’yung squatter area namin. And I always tell them stories. And sometimes these are type of stories that you hear from your parents in a dinner table. Then ‘yung mga anak mo, ‘same kuwento’,” natatawang sagot ni Isko.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Pero,” sabi pa ni Isko, “hindi ako nagsasawang ipaalala sa kanila maging mabuti kayo sa kapuwa. ‘Wag kayong mapang-api. Dahil lahat ng sasaktan n’yo ng loob ay para n’yo nang sinasaktan ang loob ng tatay ninyo. Dahil ‘yung maliliit na tao na ‘yan, ganyan ang tatay n’yo.”

Hindi naman umano inaalis ni Isko ang pagkakataon na sumaya ang kaniyang mga anak dahil gaya ng ibang magulang, ayaw din niyang maranasan ng mga ito ang mga pinagdaanan niya noong kabataan niya.

“But lesson must be learn,” saad ni Isko.

Kaya hiling niya, lagi sanang maalala ng kaniyang mga anak ang kuwento ng buhay niya na posibleng kapulutan ng aral kalaunan.