Nagbigay ng mensahe ang award-winning actress na si Elizabeth Oropesa o kilala rin sa palayaw na “La Oro” para sa mga kabataan nang kapanayamin siya ng kapuwa premyadong aktres na si Snooky Serna nitong Sabado, Nobyembre 12.

“Para sa mga kabataan ngayon na hindi na kasing-galang noon, gusto ko lang sanang malaman ninyo kung gaano kahalaga ang magulang. Kahit anong sabihin, kahit maraming mali, igalang ninyo ang inyong magulang lalo na ang ina,” saad ni Elizabeth. 

“Kasi ‘pag nawala ‘yan, wala na. Maski na anong gawin ninyong sabihing ‘I love you’ kung patay na, patay na,” dagdag pa niya. 

Kaya ang panawagan ng aktres: “Bigyan n’yo ng pagpapahalaga kahit na millennial kayo, kahit ‘yung ngayong generation kayo, igalang ninyo, pakinggan ninyo ‘yung magulang ninyo ‘pag kinakausap kayo.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napansin daw kasi ni Elizabeth ang pagbabago ng mga kabataan ngayon. ‘Pag kinausap, ni hindi man lang daw tumitingin sa nagsasalita dahil nakatutok ang buong atensyon sa gadgets gaya ng cellphone.

Tila may pinaghuhugutan ang batikang aktres sa bagay na ito. 

Pero ano’t anoman, may pinaghuhugutan man o wala, mahalagang isaalang-alang ng kabataan ang sinabi ni Elizabeth habang maaga pa. Dahil sabi nga ni Snooky: “Let it not be too late for you to not realize”. 

Samantala, sa panayam ding ito ni Snooky ay inamin ni Elizabeth ang tungkol sa pananaksak umano nito ng ballpen sa dating kaklase.

MAKI-BALITA: Elizabeth Oropesa, nanaksak ng ballpen dati