Sa halip na malugmok at panghinaan ng loob sa mga "galit" at "gigil" sa kaniya ngayon ng mga netizen sa social media, tuwang-tuwa ang "It's Showtime" host na si Kim Chiu dito.

This time kasi ay hindi na sa personal level ang kinabubuwisitan ng mga tao sa kaniya. Hindi na bilang "Kim Chiu."

Banas na banas kasi ang mga netizen sa kaniya sa pagganap bilang "Juliana," ang nangabit na misis ni Victor (Paulo Avelino) sa hit at pinag-uusapang teleseryeng "Linlang" na eksklusibong napapanood sa Prime Video.

Ibig sabihin, epektibo ang pagganap ni Kim kahit ito ang unang beses na gumanap siya sa isang serye na may pagka-"dark role."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong una nga raw ay nagdasal pa si Kim sa lahat ng mga santo na sana raw ay maging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kaniyang role.

Awa ng Diyos, mukhang okay naman daw, base na rin sa feedback na nababasa sa social media at trending pa nga lagi sila sa X, sey ni Kim sa ginanap na thanksgiving media conference para sa nabanggit na serye noong Oktubre.

Malaki ang pasasalamat ni Kimmy sa kaniyang mga direktor na sina Jojo Saguin at FM Reyes dahil bantay-sarado talaga nila ang karakter niya.

Kapag "Kumi-Kim Chiu" na raw si Juliana ay talagang pinauulit sa kaniya ang eksena.

"Ito 'yong masasabi kong hate that I love, 'yong hate messages that I love. Kasi siyempre sa career ko, sa social media platform ko nababash [ako] eh. Lalo na noong 2020. Ayoko talaga 'yon," pag-amin ng aktres.

"Masaya talaga ako sa kind of hate na natatanggap ko. Nagpapasalamat ako sa mga director ko dahil pinapaulit nila sa akin kapag kumi-Kim Chiu levels, na ‘Uy Kim Chiu 'yan, ulitin natin!’ Na ang tiyaga-tiyaga nila sa akin para maging si Juliana ako."

"Ito 'yong hate na nagustuhan ko. Keep them coming! I love it!" natatawa pang sey ni Kim.

Kaya sa pagganap niya bilang Juliana ay talagang na-Linlang ni Kimmy ang lahat!