Bigong makapasok ang kantang “Gento” ng all-male P-Pop group na “SB19” sa prestihiyosong 2024 Grammy Nominations para sa kategoryang Best Pop Duo/Group Performance.

Matatandaang inanunsiyo ng record label na Sony Music Philippines noong Oktubre na pasok umano ang “Gento” bilang entry sa Grammy.

MAKI-BALITA: ‘Gento’ ng SB19, aprub bilang entry sa Grammy Awards

Pero sa inilabas na listahan ng Grammy nitong Sabado, Nobyembre 11, hindi kabilang ang “Gento” sa nasabing kategorya. 

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang mga sumusunod na kanta lang ang pinalad na makapasok: “Thousand Miles” ni Miley Cyrus featuring Brandi Carlile, “Candy Necklace” ni Lana Del Rey featuring Jon Batiste, “Never Felt So Alone” ni Labrinth featuring Billie Eilish, “Karma” ni Taylor Swift featuring Ice Spice, “Ghost In The Machine” ni SZA featuring Phoebe Bridgers

Sa kabila nito, proud pa rin umano ang buong A’TIN dahil SB19 ang may kauna-unahang kantang naaprubahan bilang entry sa Grammy.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga fan sa nangyari:

"It's okay mga kaps, Mahalima. We wouldn't know if this is a  blessing in disguise or what but for sure HE has plan for everything and for Mahalima. Let's not despair. Yung ma consider for Grammy nomination is an achievement already. 💙"

"It's okay, getting a 'For your consideration spot for best pop duo/group performance category ' is already an award, we're still proud of you our MAHALIMA🥺😘💙💙"

"When the time is Right Isaiah 60:22 🙏🙏🙏Umpisa palang to #Mahalima"

"Congratulations pa rin. At may perfect timing si Lord yung time na ok lahat walang conflict. 

MAHALIMA Pablo Josh Stell Ken Justin"

"Parang blessing in desguise narin po. Kasi ang hirap kaya if na nominate sila and then hindi nila madala ang pangalan."

"Hindi pa ngayon mahalima pero soon! 🫂"

https://twitter.com/SBretmanStone/status/1723010673678987319