Bumaba ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City, ayon sa pahayag ng City Health Department.

Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 3,215 ang kaso ng sakit sa lungsod mula Enero 1 hanggang Nobyembre 4, 2023, mas mababa ng 2.19 porsyento o 72 kaso kumpara sa naitala noong 2022.

Naitala ang pinakamaraming kaso sa District 1 at umabot ito sa 687, at ang pinakamababa naman ay naitala sa District 2 (351).

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nakapagtala rin ang lungsod ng limang namatay sa sakit.

"Magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung may makita o maramdamang sintomas ng dengue," anang City Health Office.

Nanawagan din ang pamahalaang lungsod sa publiko na linisin ang kapaligiran upang hindi kumalat ang sakit.