Kinaaliwan sa social media ang Facebook post ng isang fur parent na nagngangalang "Nicca Fernandez" matapos niyang i-flex ang kaniyang fur baby na si Waffle, isang 8-month-old na pusa, nang dalhin niya ito sa isang veterinary clinic para sa check-up.

Nang dalhin niya raw si Waffle ay pumapalag at umaangil ito sa babaeng staff kaya huminto ito sa pag-alalay sana sa kaniya.

Subalit nang lapitan naman ito ng male staff ay tila kumalma at pumungay pa ang mga mata nito. Tumigil ito sa pag-alma at walang reklamong nagpabitbit dito.

Tawang-tawa naman si Nicca nang masaksihan ito, at napitikan pa ang facial expression ng alaga habang hawak ito ng lalaking staff.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

“Noong nabuhat na siya ng male staff, my gosh! Nag-behave talaga siya in one snap," kuwento ni Nicca sa panayam ng Manila Bulletin.

"I took a photo of her, and it turned out to be something as if she was telling me, ‘Look, Mommy, I have a boyfriend now.’ It was really a funny moment,” dagdag pa niya.

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ay ang landeeee hahaha."

"First reveal naman po ng male staff haha chos."

"Alam ni Waffle, haha, mindset ba, mindset..."

"Ganyan din kitten ko, sa lalaki ang bait, cute at sweet. Sakin at lahat ng babae nangangalmot at kagat. Lalaki nmn sya. So alam na hahaha."

"Alembong na pusa hahahaha."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!