Ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas mataas na multa laban sa mga lalabag sa EDSA Bus Carousel lane policy simula sa Lunes, Nobyembre 13.

Sa social media post ng MMDA, binanggit na ang pagtaas ng multa para sa mga hindi awtorisadong sasakyan na gumagamit sa bus lane ay para sa kaligtasan ng mga motorista at upang hindi maantala ang biyahe ng mga pampasaherong bus.

"Maliban sa bus, ang pinapayagan lamang na dumaan sa inner lane ng EDSA ay ang mga ambulansya at iba pang sasakyan na ginagamit sa pagtugon sa emergency," anang MMDA.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa kasalukuyan, nasa ₱1,000 ang multa ng mga motoristang pumapasok sa naturang bus lane.

Ang mga sumusunod na taas-multa ay alinsunod sa MMDA Regulation No. 23-002:

First Offense – ₱5,000

Second Offense – ₱10,000 plus one month suspension ng driver’s license, at sasailalim pa sa road safety seminar

Third Offense ₱20,000 plus one year suspension ng driver’s license

Fourth Offense – ₱30,000 plus rekomendasyon sa Land Transportation Office para sa revocation ng driver’s license