"Kinikilig ka diyan?"

Kinaaliwan ng mga netizen ang pabirong paninita ng aktor na si Zoren Legaspi sa kaniyang misis na si Carmina Villaroel matapos itong kiligin sa panonood ng eksena nila ni Richard Yap sa "Abot Kamay na Pangarap," ang patok na teleserye ng GMA Network tuwing hapon.

Sa kaniyang Instagram post ay flinex ni Zoren ang kuhang video niya kung saan makikitang tutok na tutok si Carmina sa panonood ng eksena nila ni Richard, habang katatapos lamang nilang kumain ng lunch.

Nang sitahin ni Zoren ang misis ay natatawang nagtakip ito ng mukha.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

"parang ewan lang na kinikilig @mina_villarroel eh di wow kahit capital WOW mo pa šŸ˜Ž," mababasa sa caption ni Zoren.

Pero inassure naman ni Mina na ang karakter niyang si "Lyneth" ang todo-kilig kay "Sir Chinito" o sa karakter ni Richard sa serye. Siya raw bilang si Carmina, siyempre, kay Zoren lang!

"Tatty!!!!! Iā€™m not kilig. Kilig lang ako sayo @zoren_legaspi šŸ˜ si Lyneth kilig kay Sir Chinito šŸ˜œ."

"@zoren_legaspi sayo lang tatay. Wala ng iba šŸ˜," dagdag pa ni Mina.

Malapit nang ipagdiwang ng dalawa ang anibersaryo ng kanilang kasal. Nag-isang dibdib ang dalawa noong Nobyembre 15, 2012 sa Fernbrook Gardens sa Alabang.