Isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni “Unkabogable Star” Vice Ganda sa asawa niyang si Ion Perez matapos ang “Magpasikat” performance nito sa “It’s Showtime” nitong Biyernes, Nobyembre 10.

Bigla kasing napansin ng co-host ni Vice na si Vhong Navarro na panay ang tingin niya kay Ion.

“Siyempre nagdadasal ako, ‘no,” saad ni Vice.

“Siyempre lahat naman tayo nagdadasal. Pero kanina parang inlove na inlove ka pa lalo,” ani Vhong.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

“Talaga,” sabi ni Vice, “everyday”.

Inusisa pa siya ni Vhong: “Ano bang gusto mong sabihin? Proud na proud ka?”

“Oo, siyempre. Proud na proud ako sa kaniya. Sobra akong proud diyan,” tugon pa ni Vice.

Napansin din umano ni Anne Curtis ang kaba ni Vice sa kalagitnaan ng performance ni Ion. Si Kim Chiu naman, biglang napansin na tila nagpipigil ng luha ang kaniyang co-host.

“Kasi syempre, araw-araw kasama ko ‘yan ‘di ba. Alam ko kung ga’no siya sinasaktan ng social media. Everyday he’s being judged kung ano siya, sa’n siya galing, pa’no siya magsalita. Ano lang nakikita sa kanya, ‘yung klase ng relasyon meron siya. Everyday, he’s being judged,” paliwanag ni Vice

Sabi pa niya: “Araw-araw lumalaban ‘yan. Araw-araw nasasaktan. Kaya… Basta hindi n’yo alam kung anong epekto nito kay Ion at sa ’kin, hindi n’yo alam. Ang alam n’yo lang, ‘yung alam n’yo, ang nakita n’yo lang, ‘yung nakita n’yo pero hindi n’yo talaga alam.”

“‘Di ba sabi ko sa ’yo, araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw, ipagdadasal kita araw-araw, yayakapin kita araw-araw, dadamayan kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko ‘yan. Proud na proud ako sa ’yo,” dagdag pa niya.

Matatandaang samu’t saring batikos ang natanggap ng dalawa matapos nilang kumain ng cake sa “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime” na kalaunan ay naging dahilan din kung bakit pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12-day suspension ang nasabing noontime show.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

MAKI-BALITA: Ion Perez, ‘mabigat’ daw karelasyon; hiwalayan na raw sana ni Vice Ganda

MAKI-BALITA: MTRCB, ipinatawag ang It’s Showtime producers hinggil sa umano’y ilang eksena nina Vice, Ion

MAKI-BALITA: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’