Usap-usapan ang pa-abs ni "Eat Bulaga!" host at Kapuso actor na si Paolo Contis, na flinex sa Instagram account ng fitness coach na si "Ghel Lerpido."
Makikita sa litrato ang larawan nilang dalawa. Kapansin-pansing sadyang itinaas ni Paolo ang suot na sando upang ipakita ang nagngangalit niyang abs.
"Progress ✔️@paolo_contis," mababasa sa caption.
View this post on Instagram
Nagkomento naman dito si "Black Rider" star Ruru Madrid.
"Grabeee!!," anang Ruru.
Sey naman ni "The Missing Husband" star Rocco Nacino, "SHREDDED!!!!"
"BATO," pahayag naman ni Cassy Legaspi na co-host niya sa EB.
Sa Instagram story ni Coach Ghel ay ipinakita rin niya ang paggamit ng gym equipment ni Paolo habang nagwo-work.
Talagang tuloy-tuloy na ang fitness journey ni Paolo!