Masayang ibinahagi ng dating child star na si Serena Dalrymple na magkaka-baby na sila ng French husband na si Thomas Bredillet, batay sa kaniyang latest Instagram post.
Kitang-kita na ang baby bump ni Serena sa kaniyang mga flinex na larawan.
"Adding a little more love to our tribe ❤️," mababasa sa caption.
Ito umano ang "bunso" nila dahil may "anak" na ang mag-asawa; ang dalawang cute fur babies na kasama sa kanilang litrato.
Batay pa sa detalye, mukhang manganganak si Serena sa March 2024, so nasa 4 na buwan na ang pagbubuntis ni Mrs. Bredillet.
Sa comment section ay makikitang masayang-masaya para sa kaniya ang mga "nanay-nanayan" sa showbiz gaya nina Angelica Panganiban, Rica Peralejo, at Nikki Valdez.
Hindi pa nga sila makapaniwalang "lola" na raw sila.
"Wait… lola na kagad ako???" anang Angge, na isang mother na rin.
"@iamangelicap yes maymi! Kelangan niyo mag visit ni tita bean ❤️" tugon naman ni Serena.
Heart emojis naman ang komento rito ni Rica.
"@ricaperalejo mimi yeks you’re going to be a grandma 😂," anang Serena.
"@sdalrymple be i cannot wait to see u with a bebe. Im a grandmom huhu. Pls message me how can i see u!!!" sey naman ni Rica.
Pagbati naman ni Nikki, "Waaaaaahhh!!! Congratulations, bebe!!!!"
Ikinasal sina Serena at Thomas noong 2022.
Matatandaang isa si Serena sa mga bigating child stars noong 1990’s at early 2000. Nakilala siya dahil sa TV advertisement niya para sa isang fast-food chain. Nagtuloy-tuloy ang pagsikat niya mula nung pumasok sa pelikula at mga teleserye. Tumatak ang kaniyang pagganap bilang Maya Bustamante sa pelikulang "Bata Bata Paano Ka Ginawa?" kasama sina Vilma Santos-Recto at Carlo Aquino.