Nagpahayag ng suporta si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista sa kaniyang boyfriend na si basketball star player Ricci Rivero.
Sa Instagram post ni Leren nitong Biyernes, Nobyembre 10, makikita ang dalawang litrato ni Ricci na may kalakip pang mensahe.
“You deserve all the love in the world. I’m so thankful to see the real you — authentic, fun and loving. No more fantasies, just pure love,” saad ni Leren.
Dagdag pa niya: “Remember that I will be here behind you, cheering and supporting you. Good luck on your first PBA game today! 🏀@ricciiirivero”
“I appreciate you! ♥️” tugon naman ni Ricci.
View this post on Instagram
Pero hindi ito ang unang beses na ginawa ni Leren ang ganitong bagay para kay Ricci. Matatandaang kamakailan lang ay mababasa sa kaniyang Instagram story ang mensahe niya para sa basketball player na jowa.
MAKI-BALITA: ‘Alam natin totoo!’ Ricci dumating sa buhay ni Leren ‘at the right time’
Tila wala nang nakapigil pa sa kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga kaliwa’t kanang pambabatikos matapos nilang isapubliko ang kanilang kontrobersiyal na relasyon.
MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’
MAKI-BALITA: Matapos ilantad ni Ricci: Leren Mae, nakipagbardagulan sa bashers