Isiniwalat ng aktor at komedyanteng si Empoy kung sino ang gusto niyang makatrabaho nang sumalang siya sa “TicTALK with Aster Amoyo” nitong Biyernes, Nobyembre 10.

Noong una, tila paligoy-ligoy pa si Empoy at hindi diretsong masagot ang tanong ng showbiz-insider na si Aster Amoyo.

“Kung papipiliin ka, Empoy, sinong next mong gustong makatrabaho,” usisa ni Aster.

“Ms. Aster Amoyo,” pabirong sagot ni Empoy.

National

Atty. Medialdea kay Sen. Robin: 'You were there when I needed it most!'

“We’re talking now, okay. Nag-uusap na tayo. Ito na ‘yun. Dapat iba,” saad ng showbiz insider.

“Debraliz [Valasote]. Hi, Tita Debz. De, si ano talaga…si Kaye Abad,” tugon ng komedyante.

High school pa lang daw kasi si Empoy, crush na umano nilang magkakaklase si Kaye lalo na noong “Tabing Ilog” days.

“So, pinanonood mo ‘yun [“Tabing Ilog”]?” paniniyak ni Aster.

“Pinanonood ko po,” sagot naman ni Empoy.

Kailan kaya ito mangyayari gayong tila hindi na gaanong aktibo ngayon si Kaye sa showbiz? 

Pero matatandaang sa ginanap na Star Magical Christmas gathering ng talent agency na Star Magic noong nakaraang taon ay sinabi ni Kaye na babalik naman umano siya kung hindi raw siya mabubuntis ulit.

MAKI-BALITA:‘Kung hindi ako mabuntis ulit’: Kaye Abad, balik telebisyon na?