Ibinahagi ng komedyanteng si Empoy ang mga gusto niyang katangian ng isang babae nang kapanayamin siya ni showbiz insider Aster Amoyo nitong Biyernes, Nobyembre 10.
“Kung halimbawa lang dumating ‘yung araw na—sabi mo nga in five years time or even less—gusto mo nang magkaroon ng pamilya, anong hinahanap mo sa isang babae?” usisa ni Aster.
Sagot ni Empoy: “Gusto ko po talaga ‘yung magaling magluto. Maganda ‘yung boses habang nagluluto at mapagmahal sa pamilya. At especially masarap kausap.”
“‘Yung kahit maghapon na kayong dalawa lang ‘yung magkasama sa loob ng bahay hindi ka magsasawa. ‘Yung hindi ka na hahanap ng ibang kausap sa trabaho, sa mga pinupuntahan mo na mga ibang lugar. ‘Yung kayo lang ang nagkakaunawaan,” dagdag pa ni Empoy.
Ngayon, ang tanong: taglay kaya ni Kapuso star Analyn Barro ang mga katangiang binanggit ni Empoy?
Matatandaan kasing nabuking ni Boy Abunda kung sino ang crush ni Empoy nang sumalang siya sa programa nito kamakailan.
MAKI-BALITA: Empoy, crush si Analyn Barro