Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:29 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 304 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 148 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.