Usap-usapan ang pag-flex ni Kapamilya star Daniel Padilla sa video clip ng paghahanda sa shoot ng jowang si Kathryn Bernardo para sa isang lifestyle magazine.
Makikita ito sa kaniyang Instagram story.
Tila subtle way daw ito na pinabubulaanan niya ang mga kumakalat na sitsit na hiwalay na sila ni Kath.
Ayon naman sa Fashion Pulis, nag-react din si Daniel sa ilang fans na nagsabing ang ganda ng GF niya, at sinupalpal niya ang "fake news peddlers" na nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanilang dalawa.
Sa isang usapan sa "Solid KathNiel," isang fan ang pumuring ang ganda ng girlfriend niya.
"I know," reply umano ni Daniel.
Sa isa pang Instagram page ay ibinida naman ang sinabi ng isang fan na tila nasupalpal daw ang fake news peddlers.
Matatandaang ang nagtsikang baka hiwalay na raw ang dalawa ay ang showbiz columnist-talent manager na si Ogie Diaz, batay raw sa tsika sa kaniya ng source, na nakikipagkita umano nang palihim si Daniel kay Kapamilya star Andrea Brillantes, na nakasama nila noon ni Kath sa remake ng seryeng "Pangako Sa 'Yo."
MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?
Nag-trend sa X ang "OGIE DIAZ FAKE NEWS PEDDLERS" at kinuyog ng fans ng KathNiel at ni Blythe si Ogie.
Bilang tugon, nagpakawala naman ng X post si Ogie.
"May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?," aniya.
MAKI-BALITA: ‘Pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?’ Ogie palag sa ‘fake news peddler’
Batay naman sa kaniyang Instagram story ay tila wafakels daw rito si DJ.
MAKI-BALITA: Daniel Padilla, keber sa isyu nila ni Andrea Brillantes?
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga kampong sangkot tungkol sa isyu.