Sumalang ang "Magandang Dilag" stars na sina Herlene Budol at Maxine Medina sa "">Fast Talk with Boy Abunda" noong Nobyembre 9.
Sa "Pick and Talk" ay pinapili ni Boy si Herlene sa dalawang Kapuso stars na ipakikita ng host at kailangan niyang mamili sa dalawa.
Una na rito ay larawan nina David Licauco at Alden Richards. Pinili ni Herlene si Alden dahil matagal na raw niyang crush at lodi ito.
Sumunod naman sina Kelvin Miranda at Buboy Villar. Si Buboy ang pinili ni Herlene dahil "pogi" raw ang ugali nito.
“Napakapogi ng ugali niya. Sobra ho. Kasi nag-lock in kami noon, sobrang alaga niya sa akin as partner niya po doon, naging asawa ko siya eh. Sobrang alalay na alalay po siya kahit walang camera. Sobrang alaga niya po ako as a friend talaga,” paliwanag ni Herlene.
Panghuli, ipinakita ang larawan nin Buboy at Alden. Mas pinili pa rin ni Herlene si Buboy. Kahit daw ang mga tropa niya, laging kinukumusta si Buboy sa kaniya. Sadyang nakakapogi raw talaga ang magandang ugali.
Nang matanong naman si Maxine kung may maipapayo siya kay Herlene patungkol sa dalawa, walang sinabing pangalan ang beauty queen pero aniya, mas pipiliin niya ang "funny."
MAKI-BALITA: Herlene Budol, poging-pogi kay Buboy Villar
Matatandaang na-isyu pa noon ang paghalik ni Herlene kay Alden sa pisngi sa isang gathering.
Napansin daw kasi ng mga netizen na parang hindi naging komportable si Alden sa ginawa nito, batay raw sa facial expression at ikinilos ng aktor.
Bagay na pinaliwanag naman niyang may permiso at nagpaalam muna siya rito bago gawin.
MAKI-BALITA: Herlene Budol, umiskor ng halik kay Alden; humingi ng dispensa sa mga nailang