“Pag nilaan para sa’yo, sa’yo ibibigay.”

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ito ang pahayag ng lucky winner mula sa Nueva Ecija nang kubrahin niya ang kaniyang napanalunang ₱36 milyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nauna nang naiulat ng Balita na napanalunan ng lucky winner ang P36,025,867.40 na premyo sa Grand Lotto 6/55 matapos mahulaan ang winning numbers na 30-17-06-12-04-29.

Binola ang nabanggit na lotto game noong Setyembre 25, 2023.

Maki-Balita: Taga Nueva Ecija, instant milyonaryo nang manalo sa Grand Lotto

Sa kaniyang panayam sa PCSO, sinabi ng 54-anyos na lucky winner, gagamitin niya ang napanalunan sa pagtatayo ng business.

Ibinahagi rin niya na tatlong beses na rin siyang nanalo sa 2D games. Kaya naman sinubukan din niyang tumaya sa iba pang laro gamit ang birth dates ng kaniyang pamilya.

Nagpasalamat din ito sa PCSO.

Samantala, nagpaalala ang PCSO ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.