Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:42 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 87 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 32 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.