Pauwi na sa Pilipinas ang 56 overseas Filipino workers (OFWs) matapos makaalis sa Gaza Strip sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah border.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Biyernes at sinabing nasa Cairo, Egypt na ang mga ito at hinihintay na lamang ang flight patungong Pilipinas.

Hindi rin maitago ni Marcos ang kasiyahan matapos mabalitaang ligtas na nakatawid sa lugar ang 56 na Pinoy workers sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.

“Happy to hear the update that 56 more Filipinos have left Gaza amid the Israel-Hamas conflict, joining the 42 who had previously crossed. This brings the total to 98 out of the 137 originally in Gaza," anang Pangulo.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“The safe journey of our nationals is of utmost importance, and we look forward to welcoming them home,” dagdag pa ni Marcos.

Nauna nang naiulat na nasa 137 ang nagtatrabahong Pinoy sa Gaza Strip nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas nitong Oktubre 7.

 

PNA