Sa kabuuang 4,119 examinees, 2,800 o 67.98% ang nakapasa sa November 2023 Midwives Licensure Examination (MLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Janelle Toledo Fauni mula sa Cavite State University (CSU) bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 91.56% score.

Hinirang naman ang University of Northern Philippines – Vigan bilang top performing school matapos itong makakuha ng 100% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 5 hanggang 6, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Kidapawan.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024