Sa pambihirang pagkakataon at hindi inaasahan ng lahat, nagsilbing special guests ng Team Vice Ganda, Cianne, at Jackie ang dati nilang co-hosts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia kasama ang kanilang anak na si Baby Amari.

Naganap ito sa "Magpasikat 2023" performance nila ngayong Huwebes, Nobyembre 9.

Matatandaang nagkaroon ng isyu na umano'y may tampuhan sa pagitan nina Vice Ganda at Billy simula nang lisanin ng huli ang noontime show at maging bahagi ng "Lunch Out Loud" o LOL, ang katapat nilang noontime show noon sa TV5, na kalaunan ay naging "Tropang LOL" hanggang sa matsugi na nga. Siya rin ay nag-host dito ng "The Masked Singer Philippines" at "The Wall Philippines."

Sa YouTube channel pa nga ni Vice Ganda nagpaliwanag si Billy kung bakit siya lumundag sa TV5. Kahit na nasa ibang network na raw ay patuloy pa rin daw silang magiging magkapamilya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ngunit nagulat ang lahat sa balitang nag-unfollow umano sila sa Instagram accounts ng isa't isa noong Nobyembre 2021.

MAKI-BALITA: Vice Ganda at Billy Crawford, inunfollow ang isa’t isa sa IG?

Nadamay pa sa gusot ang dating direktor ng It's Showtime na si Direk Bobet Vidanes at dati nilang co-host din na si Kuya Kim Atienza na nasa GMA Network na.

MAKI-BALITA: Direk Bobet sa paglayas sa ‘It’s Showtime’: ‘Mamamatay ako nang maaga’

MAKI-BALITA: Vice Ganda, rumeresbak nga ba kay Direk Bobet sa kaniyang ‘pasaring’ sa It’s Showtime?

Sa pag-guest nina Billy at Coleen ay natuldukan na ang matagal nang alingawgaw na hanggang ngayon ay hindi sila okay. Pero inamin ng komedyante-TV host na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon ni Billy.

"Lingid po sa kaalaman ninyo, okay na okay na kami ni Billy," anang Vice Ganda.

"Pero hindi kasi kami 'yong tipong... 'di ba, basta okay kami."

Napagtanto raw ni Vice Ganda ang tungkol sa salitang "healing" dahil sa konsepto ng performance naman ng team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid na nagpasiklab naman kahapon ng Miyerkules, Nobyembre 8.

"Tapos, bigla kong naisip 'yong concept ng healing. Knowing that the madlang people know we're okay, baka mag-inspire ito sa inyo na mag-heal din."

"It's about time na baka kaya n'yo na rin 'di ba, na makipag-reconcile sa taong mahalagang-mahalaga sa inyo."

Naisip daw niyang hilingin ang pag-guest ng mag-anak habang magkatext sila, bagay na pinaunlakan naman nila. Ang presensya raw nina Billy at Coleen sa performance nila ay may mensahe raw sa mga nagnanais na ma-inspire na mag-heal.

"Thank you, Billy and Coleen kasi biglaan 'to. Kagabi ko lang sila tinawagan. Nagte-text kami ni Billy this past few days pero hindi namin 'to napag-usapan," pagbabahagi pa ng komedyante-TV host.

"Kasi si Billy is one very important person sa buhay ko. At the end of day, you are my best friend and I love you very much. Regalo natin ito sa madlang people na makita nilang magkakasama tayo ulit," pahayag ni Vice Ganda.

Nag-sorry naman si Billy kay Vice, sa madlang people, at mga Kapamilya. Aniya, ginawa lamang niya ang mga ginawa niya dahil gagawin niya ang lahat para sa kaniyang pamilya.

"Thank you, Vice. Happy anniversary, first of all, to us. Marami akong realization these past months. Kababalik ko lang galing States, kakakita ko lang sa daddy ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang daddy ko sa mundong ito. Pero ang bilin niya sa akin ay mag-ayos tayo,” pahayag ni Billy.

“Noong sinabi ng daddy ko na part of that, it's beyond my control, it's beyond Vice's control din. I think lahat ng ito ay orchestrated by God."

"Katulad ng sinabi mo Vice, nahanap ko ang aking asawa, nabuo ko ang aking pamilya, dahil sa programang ito. Para sa akin it really doesn't matter kung saan ka. Mahal namin ang isa't isa. Lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan, but at the end of the day, in God's time, Siya na rin ang bahalang mag-ayos."

“Kaya on my end, I want to say I'm sorry. I'm sorry, Madlang People. I'm sorry, Kapamilya. Magpapakumbaba na po ako. Gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya,” paumanhin ni Billy.

Matatandaang na-bash si Billy nang iwanan niya ang It's Showtime at ABS-CBN matapos ngang lumundag sa TV5, at ngayon nga, napapanood na siya sa GMA Network bilang coach ng "The Voice Generations" at nag-guest na rin sa "TikToClock."

MAKI-BALITA: Billy at Coleen ‘bumalik’ sa It’s Showtime