Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Nobyembre 3 hanggang 9 kada taon bilang “Philippine Criminology Profession Week.”

Itinala ng Official Gazette ang naturang deklarasyon ng pangulo nitong Huwebes, Nobyembre 9.

Batay sa Proclamation No. 397 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Martes, Nobyembre 7, layon ng Philippine Criminology Profession Week na kilalanin ang kahalagahan at kontribusyon ng “criminology profession” sa pagpapanatili umano ng kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.

“It is imperative to recognize the role of the criminology profession in the maintenance of national security, and to honor Filipino Criminologists who have remained committed to the exercise of their profession while contributing immensely to the development of our nation, especially in the sectors of public safety and peace and order,” nakasaad sa proklamasyon.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024

Sa ilalim ng Proclamation No. 397, naatasan ang Professional Regulatory Board of Criminology, sa ilalim ng Professional Regulatory Commission (PRC), na manguna sa pagbuo ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa pagdiriwang ng Philippine Criminology Profession Week.

Hinihikayat naman ang lahat ng government agencies at instrumentalities, kabilang na ang government-owned o government-controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, maging ang local government units, non-government organizations, at pribadong sektor, na makilahok sa pagdiriwang at suportahan ang implementasyon ng naturang proklamasyon.