Inihain ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang House Bill No.9054 o ang “Anti-Graft and Corruption Education Act” na naglalayong isama sa basic education program ng bansa ang pagtuturo ng mga aralin hinggil sa “Anti-Graft and Corruption” upang maaga umanong maimulat ang bawat indibidwal sa masamang epekto ng korapsyon at kung paano ito malalabanan.

Ayon kay Reyes, layon ng panukala na turuan ang mga mag-aaral ng “good conduct” at “ethical standards” ng mga pampublikong opisyal at empleyado sa mga paaralan.

"In order to raise the awareness of our youth on the detrimental effects of corruption, it is high time to equip our students with the necessary knowledge, skills, and values to resist and combat corruption," ani Reyes.

"The education of young minds should be melded with the strengthening and ingraining of ethical behavior, moral character, honesty, and fairness as core human values," dagdag pa niya.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024

Sa ilalim ng panukalang Anti-Graft and Corruption Education Act, nararapat na bumuo ang Department of Education (DepEd), sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Ombudsman, ng mga modyul na may kaugnayan sa konsepto, mga epekto, at paraan para maiwasan ang “graft and corruption.”

Dapat umanong isama sa naturang bubuuing mga modyul ang mga paksa tulad ng Republic Act (RA) No. 6713, o ang "Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees"; RA No. 3019, o ang "Anti-Graft and Corruption Practices Act"; RA No. 6770, o ang "Ombudsman Act of 7989, at ang rules and regulations na pinroklama ng Civil Service Commission (CSC) hinggil sa disciplinary actions.

Binanggit naman ni Reyes na mahalagang maituro ang naturang mga talakayin lalo na’t base umano sa 2022 Transparency lnternational's Corruption Perception Index, pang-116 ang Pilipinas sa 180 mga bansa at teritoryo pagdating sa usapin ng perceived levels ng public sector corruption.

"Preventing corruption is a crucial goal for any established government aiming to foster transparency, accountability, and sustainable development," saad ni Reyes.