Butata kay Kapuso actress Kylie Padilla ang isang netizen matapos nitong iwasto ang kaniyang grammar, na nakita nito sa kaniyang Instagram story patungkol sa anak na si Alas kamakailan.

"He spilt something and proceeded to mop it by himself and he tell me not to walk there kasi madulas. It's the little things," saad ni Kylie sa post.

Nagkomento naman ang isang netizen sa pagkakagamit niya ng salitang "spilt." Dapat daw, "spilled" ito o past tense ng natapon.

"Just replying [to] your [IG] story it’s ‘spilled,’ not spilt lol that’s not even a word," komento nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tugon naman ni Kylie na mapapanood sa "Black Rider," "Oh sorry I grew up in Australia we followed the British English dictionary and there, spilt is a word. Please Google it."

Sey naman ng mga netizen:

"Napa webster dictionary tuloy ako. 😂 @kylienicolepadilla idol talaga kita 🙌❤️"

"@kylienicolepadilla pa tlg kinorek mo, laking Aussie yan."

"Spilt is past tense of spill. 🙌."

"Si Kyle pa..matalino..at magaling sa English.."

"mema comment lang 😂 nang.correct pa nga ng grammar! get a life ui! 😂✌️"

"Lol bago kasi magreact, try to educate yourself. Hindi lang po American English ang ginagamit ng tao."

"Yes, spilt is also correct. It is British English."

Samantala, tila burado na ang nabanggit na komento ng netizen matapos "makuyog."