"A sea of mystery"
Napitikan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mala-”jellyfish” na imahen ng spiral galaxy na nakitaan umano ng mga astronomer ng misteryo.
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na matatagpuan ang spiral galaxy sa layong 220 million light-years mula sa Earth.
Tinatawag din umano itong “jellyfish” galaxy dahil sa kulay asul nitong ribbon ng mga bituin na animo’y “cosmic tentacles.”
“When viewed in X-ray light, though, an even longer tail of hot gas emerges which extends across 260,000 light-years of space—shown here in purplish-blue with data from NASA Chandra XRay,” saad ng NASA sa nasabing post.
Samantala, isa umanong misteryo sa mga astronomer ang “newly-forming stars” sa buntot ng jellyfish galaxy.
Ayon sa NASA, ito ay dahil ang mga galaxy na naninirahan sa isang cluster ay may posibilidad na huminto sa pagbuo ng mga bagong bituin nang mas maaga kaysa sa mga galaxy sa labas ng mga cluster.
“The ‘jellyfish’ galaxy in the cluster is getting pulled in by the cluster’s gravity which causes the gas to act like wind and can remove the gas and dust in a process called ‘ram pressure stripping’,” paliwanag ng NASA.
Dahil kailangan umano ng mga galaxy ng gas upang makabuo ng mga bituin, babagal ang proseso ng star formation nito. Kaya't palaisipan pa raw kung paanong may nabuong bagong mga bituin sa nasabing jellyfish galaxy.
“Astronomers hope to learn how the stripping process changed over time and how that affected conditions to form new stars,” saad ng NASA.