Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay ng mga sundalo sa naganap na sagupaan sa Cauayan, Negros Occidental nitong Martes.

Sa pahayag ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army, naganap ang engkuwentro nang respondehan nila ang Sitio Cambaga, Brgy. Yao-Yao kung saan namataan ng mga residente ang grupo ng mga armadong lalaki.

Ayon naman kay 3rd Infantry Division commander, Maj. Marion Sison, hindi pa nakikilala ang dalawang napatay na rebelde..

“Do not give them a breathing space until they all go weary and opt to return to the fold of the law or suffer the same fate as their comrades,”  pahayag pa ni Sison.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam sa encounter site ang dalawang M653 rifle, isang M16 rifle, isang Cal. 45 pistol, at anti-personnel mine na may blasting cap, pagdidiin pa ni Sison.

PNA