Itinalaga ng Arsobispo ng Palo, Leyte na si John F. Du ang pista ng Our Lady of Hope nitong Miyerkules, Nobyembre 8, sa mismong araw ng ika-isang dekada ng pananalasa ng super typhoon Yolanda.

Ayon sa inilabas na kautusan ni Arsobispo Du, layon umano ng nasabing pagdiriwang na palaguin pang lalo taun-taon ang debosyon ng mga mananampalatayang Palo para sa Mahal na Birhen ng Pag-asa.

“This celebration also a fitting closing of the Octave of the Solemnity of All Saints,” dagdag pa dito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inisyu ang nasabing kautusan noong unang araw ng Nobyembre sa Archdiocesan Chancery and Pastoral Center, Barangay Salvacion, 6501 Palo, Leyte.

Matatandaang sampung taon na ang nakalilipas simula nang maranasan ng Kabisayaan ang lupit ng hagupit ng nasabing bagyo.

MAKI-BALITA: Bilang at detalye: Pagbabalik-tanaw sa bagsik at hagupit ni super bagyong Yolanda

Tinatayang umabot sa 6,300 ang nasawi sa hagupit ng Yolanda. Kaya bilang pag-alala sa mga biktima, nagpagawa umano si Arsobispo Du ng imahe ng Our Lady of Hope.