Nanawagan ng suporta at tulong si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte sa lahat para sa proyektong pagtatanim ng milyong puno hanggang 2028, upang mapangalagaan ang kalikasan.

Ginawa niya ito sa pagbibigay-mensahe sa commemoration para sa paghagupit ng super bagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre 8, 2023, na labis-labis na nakaapekto sa mga nasalantang lugar at lalawigan sa Visayas, partikular sa Tacloban.

"And true to our panata na maging makakalikasan, we extend an invitation to all of you and humbly request your support in joining us as partners for PagbaBAGo, A Million Trees, a project of the Office of the Vice President to plant a million trees by year 2028."

"Likewise, by investing in resilient infrastructure, early warning systems, and education on disaster preparedness, we can safeguard our communities and mitigate the impact of future calamities," bahagi ng mensahe ni VP Sara.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Panawagan pa niya, "Today, as we remember the lives lost, let us unite in solidarity and recommit ourselves to creating a safer, more resilient future defined by sustainable development. Together, we can build communities that are better prepared to face the challenges posed by natural disasters and climate change."

"Mga kababayan, patuloy tayo maging MATATAG sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa. Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, Bayan, at Pamilyang Pilipino."

Matatandaang ipinakita na ng pangalawang pangulo ang kaniyang inisyatibo sa hakbang na pagtatanim ng puno upang magsilbing pananggalang sa landslide, soil erosion, malinis at sariwang hangin, at pananggalang sa malakas na bagyo at pagbaha.

MAKI-BALITA: VP Sara nagtanim ng puno para sa World Teachers’ Day

MAKI-BALITA: VP Sara may mensahe kaugnay ng typhoon Yolanda commemoration