Sinariwa ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang alaala ng ika-10 taon ng pananalanta ng super typhoon Yolanda nitong Miyerkules, Nobyembre 8.

“It was a time of great sorrow, loss, and devestation, but it was also a time when our bonds of solidarity and faith were tested and strengthened,” pahayag ni Bishop Vasquez.

Dagdag pa niya: "As we look back on that fateful day, we remember the lives lost, the families shattered and the communities uprooted. We recall the countless acts of heroism and selflessness that emerged in the midst of the chaos. We acknowledge the pain and grief that still linger in the hearts of those who survived and continue to rebuild their lives. And we recognize the hand of God guiding us through the darkest of moments."

Pero higit pa sa pag-aalalang ito, sa pag-aalay ng panalangin sa mga nasawi ng bagyo, sa pagkilala sa mga tumulong na indibidwal at ogranisasyon, at sa muling pagtatangkang bumangon, inanyayahan din ni Bishop Vasquez na suportahan ng bawat isa ang inisyatibong isinusulong ng diyoses para sa kapakanan ng kalikasan at climate justice.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"Let us commit ourselves to sustainable practices and advocate for policies that protect the environment and promote justice for all. Let us support the initiatives of our Diocese in our advocacy against degradations," aniya.

Kasama ang iba pang diyoses ng Catarman, Calbayog, Palo, at Naval, magsasagawa sila ng kampanya laban sa iresponsableng pagmimina sa kanilang isla na tatawaging “Island Wide Jericho Walk” na gaganapin sa Guiuan mula Nobyembre 29-30.

“May our collective memory of super typhoon Yolanda inspire us to be agents of healing, reconciliation, and hope in our diocese and beyond,” saad pa niya.

https://

Matatandaang noong Abril ay nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si Bishop Vasquez kaugnay sa patuloy na pagmimina sa makasaysayang Homonhon Island sa Guian, Eastern Samar.

MAKI-BALITA: Obispo, nagpahayag ng pagkabahala sa mga aktibidad ng pagmimina sa Homonhon Island