Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang bumibili ng pagkain sa Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.  

Dead on the spot ang biktimang si Joseph Lugtu, 27, taga-2228 V. Serrano St., Gagalangin, Tondo, sanhi ng apat na tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni Corporal Christian Pineda, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, ang insidente ay naganap sa panulukan ng Maria Guizon St., at Leyte St., Gagalangin, dakong 10:30 ng gabi.

Bumibili ang biktima ng pagkain, kasama ang kanyang mga kaibigan, nang bigla na lang dumating ang mga suspek, na magkaangkas sa motorsiklo.

Metro

Rider, nag-overtake, bumangga sa kotse; backrider, tepok!

Nang makita ang biktima ay kaagad na pinagbabaril.

Kaagad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na direksyon, ayon pa sa pulisya.