Natanong umano ang award-winning actor na si Christian Bables kung ano ang tingin niya sa pakikipagrelasyon sa kapwa kasarian o same-sex relationship na bukas nang tinatanggap ng karamihan sa Pilipinas, kung hindi man lahat.

Naganap ito sa media conference ng pelikulang "Broken Heart Trips" na kabilang na lahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na Kapaskuhan.

Hindi man direkta, naniniwala umano si Christian na walang kasarian pagdating sa pagmamahal. Kahit mga hayop daw ay nakararamdam nito. Sang-ayon daw siya sa naunang sinabi ni Direk Andoy Ranay, na nagbabalik sa pag-arte.

"Walang gender ang love," ani Christian, na hindi na bago sa pagganap bilang beki sa pelikula at telebisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Iyon yata ang isa sa mga libreng bagay... bagay ba siya? O basta libre dito sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal," aniya.

Nang mauntag kung bukas ba siya sa ideya ng pakikipagrelasyon sa same sex, ""Kung i-oopen ni God 'yong heart and mind ko for that, why not?"

Matatandaang nauna nang sinabi at kinumpirma ni Christian na straight ang preference niya, sa kabila ng kaliwa't kanang pangunguwestyon ng marami sa kaniyang sexual identity.

Epektibo kasi ang pagganap ni Christian sa lahat ng beki roles na ginagampanan niya sa pelikula, lalo na bilang "Barbs" sa award-winning movie na "Die Beautiful" kasama si Paolo Ballesteros.

MAKI-BALITA: Christian Bables, epektibo sa pagganap ng beki roles; ano nga ba ang preference?

MAKI-BALITA: Christian Bables, napika na sa mga patuloy na kumukuwestyon sa sekswalidad niya: ‘Tomboy po ako!’

MAKI-BALITA: Christian Bables, straight man subalit bukas sa ideyang ma-attract sa same sex