Sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" ang tinaguriang "Pambansang Ginoo" ng GMA Network na si David Licauco.

Bahagi siya ng Team KALM (Karylle, Amy Perez, Lassy at MC) para sa taunang "Magpasikat" segment ng nabanggit na noontime show.

Bukod sa reunion ng original sang'gres na sina Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri, isa sa surprise guests nila si David, na ikinagulat din ni GMA Primetime Princess at katambal na si Barbie Forteza.

Isa si Barbie sa esteemed judges ng Mapgpasikat 2023 kasama pa sina Direk Olivia Lamasan, FDCP Chair Tirso Cruz III, Jeth Pangan, at international singer Apl the Ap.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

Hirit tuloy ni Vice Ganda, "First time nangyari sa history ng Showtime na ang may guest, 'yong judge."

Bukod kay Barbie, reunion din ni David kay Baby Argus ng "Isip Bata" matapos nilang magsama sa isang vlog.

Posible na ang guesting ng Kapuso stars sa It's Showtime dahil sa pag-ere nito sa GTV, ang sister channel ng Kapuso Network.

Samantala, ang huling proyekto naman ng BarDa ay ang very limited special series na "Maging Sino Ka Man."