Umarangkada na ang Christmas trains ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Mismong sina Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-In-Charge (OIC) Jorjette B. Aquino at Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando ang nanguna sa paglulunsad ng mga naturang Christmas trains na nagsimulang bumiyahe nitong Lunes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May be an image of 5 people, christmas tree and text

DOTR MRT-3 (Facebook)

Ayon kay Aquino, target ng mga Christmas trains na magbigay-saya sa kanilang mga commuters ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“Sa ating mga Christmas trains, layon namin makapagbigay nang kahit konting saya sa kanilang araw, lalo na sa mga pagod na komyuter habang sila’y pauwi galing sa kanilang trabaho,” ani Asec. Aquino.

Sa nasabing aktibidad, namigay si Asec. Aquino, kasama si Santa Claus, ng mga kendi at tsokolate sa mga commuters sa MRT-3 Ayala Station at LRT-2 Cubao Station.

Nakiisa rin si Asec. Aquino sa mga choirs sa Cubao stations ng MRT-3 at LRT-2.

Ipinagmalaki niya na ang naturang choir ay pawang empleyado ng MRT-3 at LRT-2 na kada araw ay maglilipat-lipat ng istasyon upang magbigay-saya sa mga pasahero.

May be an image of 11 people, flute and clarinet

DOTR MRT-3 (Facebook)

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Cabrera na, "Sa pamamagitan ng programang ParaTren ang Pasko, maipapadama namin ang diwa ng pagmamahal at kasiyahan ng Pasko. 'Yung Christmas vibes na biyahe ang aginaldo namin sa  bawat pasahero."

Ang MRT-3 ay bumabagtas sa EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City habang ang LRT-2 naman na pinangangasiwaan ng LRTA, ang siyang nag-uugnay sa Recto, sa Maynila at Antipolo City sa Rizal.