Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Martes ng madaling araw, Nobyembre 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:50 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 127 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Mamburao at Abra De Ilog, Occidental Mindoro.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.