Inilabas ng Misamis Occidental police ang computerized facial composite ng isa sa mga umano'y suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon, na kilala rin bilang Johnny Walker, noong Linggo.
Ayon sa Misamis Occidental police, tinatayang nasa edad 40-anyos pataas ang suspek.
Huling namataan umano ang suspek na nakasuot ng pulang sumbrero, kulay berde na t-shirt, at itim na short pants.
Dagdag pa ng pulisya, sakaling makita ang suspek i-report lamang sa mga numerong: 0998-598-6915 o 0998-598-6928.
Matatandaang live na nagbo-broadcast si Jumalon sa radio station 94.7 Calamba Gold FM, na matatagpuan sa kanyang tirahan sa barangay Don Bernardo A. Neri sa bayan ng Calamba, nang pasukin ito ng gunman at biglang binaril sa ulo at tinangay ang suot nitong kwintas.
Ayon sa mga ulat, binura na ang livestream ni Jumalon noong Linggo ngunit kumakalat pa rin sa social media ang insidente ng pamamaril.
Samantala, iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay sa radio broadcaster.
"CHR condemns this brazen act of arbitrarily depriving a person of his right to life. CHR expresses further concern as the victim was a journalist -- fourth killing under the current administration and 199th since 1986," the CHR said but it have no additional details,” pahayag ng CHR.
"Our independent investigation also seeks to determine if the killing is work-related. We recognize, however, the chilling effect of this violent attack that continues to make the country a dangerous place for journalists," dagdag pa nito.
Kaugnay nito, kinondena ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpatay kay Jumalon.
MAKI-BALITA: PBBM kinondena pamamaslang sa radio broadcaster sa Misamis Occidental
Kinondena rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang insidente at sinabing ito na ang ika-199 kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag mula noong 1986.
MAKI-BALITA: Pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, iniimbestigahan na!