In fairness, 'di pa rin talaga natatapos ang gigil ng mga netizen at manonood kay Kim Chiu dahil sa kabit seryeng "Linlang" sa numero uno sa Prime Video, ha!

Isang netizen kasi ang kumuha sa naispatang cellphone number ng kunwari ay contact number ng karakter nitong si "Juliana" mula sa nabanggit na trending na serye.

Pagkatapos ay pinaulanan ito ng mensahe ng pagbabanta.

Mukhang hindi naman seryoso ang netizen pero nakagugulat pa rin ang mga mababasa rito, na parang hango pa nga yata sa nag-viral na video mula sa linyahan ng pa-acting workshop ni Ogie Diaz na "Mabubulok ka sa impiyerno!"

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Hayoop kaa!! May araw ka rin!!! Mabubulok ka sa kulungaaaaaaan!!!!!!!!!!!"

"Hayoop kaa!! May araw ka rin!!! Mabubulok ka sa impyernooooo!!!!!!!!!!!!!!" mensahe ng netizen.

Nag-reply naman ang tunay na may-ari ng cellphone number ng "Bakit po?"

Ang siste, tunay na contact number pala ang ginamit sa eksena, mula sa isang staff sa art department ng serye.

"Sorry po hahah eto po yung number ni Kim Chiu sa Linlang na palabas ang galing niya po kasi umacting haha nakakainis sorry nagana pa pala tong number heheheh.

Reply naman nito, "Kim po ito hahaha."

"Hayupp ka Juliaaaaaanaaaaa yung altapresyon ko hahahaha," huling tugon ng netizen.

Ibinahagi naman ni Kimmy sa kaniyang X post ang screenshot ng convo.

Sinend ng art dep sa producer namin ng #Linlang 😂😂😂 nagugulo na po ang cellphone nyang nanahimik! 🤣🤣🤣 #LinlangOnPrime.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1721012318145040561

Sa comment section ay nagkomento naman ang sinasabing netizen na nagpadala ng mensahe sa numero. Naglapag pa ito ng "resibo" sa point of view naman niya.

"sorry na hahahah na sstress ako sa bawat scene hahah," anang netizen.

https://twitter.com/_engrjavier/status/1721052929636118949

Eh di wow!