Makahulugan ang naging pahayag ni Raquel Pempengco, nanay ng sumikat na international singing sensation na si Charice Pempengco o kilala ngayon sa pangalang "Jake Zyrus" nang makapanayam ito sa&t=1s"> vlog ng showbiz insider na si Morly Alinio.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na hanggang ngayon ay hindi pa okay o nagkakaayos ang mag-ina.

Matatandaang maraming beses na nag-post sa social media at nabalita pa ang panawagan ni Mommy Raquel na sana ay umuwi man lamang ng Pilipinas ang anak na nasa ibang bansa matapos pumanaw nang halos sunod-sunod ang kanilang kaanak.

Napag-alamang hindi umano nagpaabot ng tulong-pinansyal si Jake para sa pagpapalibing ng mga yumaong kaanak sa kasagsagan ng pandemya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Kahit na ganito, hindi itinanggi ni Raquel na namimiss na niya ang kaniyang anak.

Wafakels na umano ang nanay kung hindi na nga magpaabot ng tulong ang anak pagdating sa pinansyal na aspeto, pero hangad niyang mangumusta lamang ito sa kanila sa Pilipinas.

"Iyon ang kulang ngayon kay Jake. Dahil alam niya na hindi kami in good terms. Siguro kapag nag-reach out lang siya ‘Mi, okay lang ba kayo diyan? Mi, huwag ka mag-alala okay kami dito, okay ako dito. Gusto ko lang ng malaya na at malayo na sa showbiz…"

"Ok sige, ingat ka diyan. Kung ano man ang maririnig mo, ignore mo lang," pahayag ni Raquel.

Nasabi pa ni Raquel na hangga't may hininga siya, hihintayin niya ang pagbabalik at pagkakaayos nilang mag-ina. Natutuwa raw siya kapag naaalala niya ang inawit nitong "Maghintay Ka Lamang" na tila nagpapahiwatig naman sa mensahe niya sa anak.

"This song is for my mom. Napaluha ako ro'n." ani Raquel.

Kinanta pa niya ang ilang lyrics nito para sa anak.

"Ang kailangan mo'y tibay ng loob kung mayro'ng pagsubok man. Ang liwanag ay 'di magtatagal at muling mamamasdan

Ikot ng mundo ay hindi laging pighati't kasawian. Ang pangarap mo ay makakamtan. Basta't maghintay ka lamang..."

"Ang bigat sa dibdib, Mommy," reaksiyon ni Morly.

"Paborito naming kantang dalawa 'yan," segunda naman ni Raquel.

"Basta't mag-antay ka lamang. Hanggang saan makapag-aantay ang isang Mommy Raquel Pempengco?" tanong ni Morly.

"Hanggang sa buhay ako. Hangga’t may hininga ako, hihintayin ko siya. Mag-aantay ako kung hanggang kailan niya na... malalaman na nandito lang ako, at maisip niyang ako pa rin ang ina niya, hangga't may buhay ako, hindi ako susuko..." sagot nito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jake tungkol dito.

MAKI-BALITA: Jake Zyrus, wala raw paramdam? Raquel Pempengco, humingi ng tulong para sa namatay na nanay, kapatid

MAKI-BALITA: Isa pang tito ni Jake Zyrus, pumanaw na; apela ni Mommy Raquel sa anak, ‘Paramdam ka naman!’

MAKI-BALITA: Utol ni Jake Zyrus, nagka-mild stroke; inang si Raquel Pempengco, nananawagan ulit ng tulong sa anak