Nagbigay ng babala si comedy genius Michael V. o mas kilala bilang “Bitoy” tungkol sa mga scammer na ginagamit ang pangalan ng Philippine Postal Corporation o PhilPost.

Mababasa sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Nobyembre 7, ang screenshot ng mensaheng natanggap niya na mula umano sa PhilPost.

“‘Pag naka-receive kayo ng ganitong text, DELETE n’yo agad,” pahayag ni Bitoy.

“This is NOT FROM PHILPOST,” aniya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Paalala niya: “‘Wag n’yo i-click ‘yung link. At kung na-click n’yo, ‘wag kayo mag-enter ng details especially credit card information n’yo.”

Matuto umanong mag-double check sa PhilPost lalo na raw kapag may inaasahang package na darating mula rito.

“It’s a scam. Maging matalino,” saad pa ni Bitoy.

Sa comment section, ikinuwento ni Bitoy na may inaasahan umano siyang package sa PhilPost kaya siniguro muna niya kung totoo ba talagang dumating na ang hinihintay niya.

Pero nang makontak niya ang opisina ng nasabing korporasyon, ang tugon sa kaniya, hindi pa raw.

Sey niya tuloy: “The link is a phishing site. Ingat-ingat everyone!”

Nagpasalamat naman ang mga netizen sa ibinigay na babala ng komedyante. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Same here, thanks, idol Michael V.! 🥰”

“Thank you sir Michael V.! I never fell under these text scams pero this one got my attention. It looks good enough for me na i almost tapped further pero buti nalang I went on facebook and saw this post. 🙏”

“D Best k Tlg Lodi Michael V. Salamat sa informative post very helpful , ingat lgi godbless❤️😀🙏”

“Thank you for the info bro”

“Salamat idol."