Walang pinipiling edad para maging instant milyonaryo sa lotto.
Kinubra ng 24-anyos na babae mula sa Pasig City ang kaniyang napanalunang Mega Lotto 6/45 jackpot prize na ₱42,900,615.40, na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Hulyo 17, 2023.
Sa ulat ng PCSO nitong Lunes, nahulaan ng 24-anyos ang winning numbers na 31-13-10-37-34-18, na base umano sa birth dates at edad ng kaniyang kapamilya.
Naibahagi ng instant millionaire na naging hobby na niya ang pagtaya sa lotto mula noong 20-anyos pa lang siya. Tuwang-tuwa raw ang kaniyang ina dahil natupad niya ang pangarap nitong jackpot.
Hindi pa rin niya alam kung saan niya gagamitin ang napanalunan.
“Ang tanging sigurado po ay magiging savings po muna ito, napakabata ko pa po at madami pa akong kakaharapin. Mas maigi na pag-isipang mabuti para hindi po ako magsisi bandang huli,” saad niya.
Samantala, nagpaalala rin ang PCSO ang lahat ng lotto winnings na lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Kamakailan lamang isang 30-anyos naman mula sa Puerto Princesa ang nanalo ng ₱36 milyon sa Lotto 6/42 na binola noong Setyembre 7, 2023.
Maki-Balita: 30-anyos mula sa Puerto Princesa, kumubra na ng ₱36M premyo sa lotto
#google_vignette