“I’ll be by your side, forever by your side…”

Magkakaroon ng reunion concert ang OPM rock band na Rivermaya sa susunod na taon.

Kinumpirma ito ng local promoter na Live Nation Philippines sa pamamagitan ng isang social media post nitong Lunes, Nobyembre 6.

Ayon sa Live Nation Philippines, magsasama-sama muli sina Bamboo Mañalac, Mark Escueta, Nathan Azarcon at Rico Blanco, para sa “Rivermaya: The Reunion” concert sa darating na Pebrero 17, 2024 sa SMDC Festival Grounds.

National

DOH, nagbabala tungkol sa 'Holiday Heart Syndrome'

“Be a part of history as Live Nation Philippines stages its first-ever OPM show with Bamboo, Mark, Nathan and Rico - finally together in the country’s most coveted reunion,” saad ng Live Nation Philippines.

Magiging available naman umano ang tickets ng concert sa Nobyembre 17, 2023, dakong 3:00 ng hapon sa www.smtickets.com at SM Tickets outlets.

Kasama si Perf de Castro, nabuo ang Rivermaya sa pamamagitan ng original members nitong sina Bamboo, Rico, Nathan, at Mark.

Samantala, taong 1998 nang umalis si Bamboo sa banda, habang 2007 naman umalis si Rico.

Kilala ang Rivermaya sa kanilang hit songs tulad ng “214,” “You’ll Be Safe Here,” “Kisapmata,” “Elesi,” at “Liwanag sa Dilim.”