Magpapatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa Martes, Nobyembre 7.
Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsyo ng Shell, Caltex, Sea Oil, Petro Gazz at Clean Fuel, ang ₱.45 bawas presyo sa kada litro ng gasolina habang ₱1.10 ang bawas sa kada litro ng diesel.
National
PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'
May bawas naman na ₱1.05 sa presyo ng kada litro ng kerosene, ayon sa Shell, Caltex at Sea Oil.
Ang price adjustment ng Shell, Sea Oil, Petro Gazz ay epektibo dakong 6:00 ng umaga, habang mauuna namang magpatupad ng bawas presyo ang Caltex at Clean Fuel dakong 12:00 ng hatinggabi ng Martes.
Ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.