Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • May 20, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, pinalulutas agad

    Pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, pinalulutas agad

    By
    Balita Online
    November 06, 2023
    In
    BALITA National
    Pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, pinalulutas agad
    Larawang mula sa kuha ng Radyo Pilipinas.

    Pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, pinalulutas agad

    By Balita Online
    November 06, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Nanawagan sa mga awtoridad ang ilang senador na lutasin kaagad ang kaso ng pamamaslang kay veteran radio broadcaster Juan Jumalon o "DJ Johnny Walker" sa loob ng bahay nito sa Calamba, Misamis Occidental nitong Linggo.

    "I strongly condemn what had happened there. Karumal-dumal po ang ginawa nila. I saw the video and I can't even get that scene out of my head of what happened. My goodness, these people should be apprehended. These people should be put to justice at the soonest possible time," pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

    Nanawagan din si Zubiri sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang sunud-sunod na karahasan sa Misamis Occidental.

    "I'm from Region 10 and you know it's so peaceful sa amin sa Misamis Oriental, Bukidnon, Cagayan de Oro, lalo na ang Camiguin, and even Lanao del Norte. But when you're talking about political killings, unfortunately Misamis Occidental still have to figure out how to control these politically motivated killings and I think the President [Ferdinand R. Marcos Jr.], through the regional director of the PNP, should really put a large presence of our Philippine National Police force in that province," pahayag ni Zubiri.

    Naglabas din ng pahayag si Senator Ronald dela Rosa at umapela sa PNP na lutasin kaagad ang kaso.

    "I am exhorting the PNP particularly the RD, [Police Regional Office] PRO-10 and [provincial director] PD Misamis Occidental to resolve this case at the soonest possible time because regardless of the real motive of the crime, people would immediately assume it to be work related and the first group of people that we don't want to be discouraged from doing their job is the media," anang senador.

    Kinondena rin ni Senador Ramon Revilla, Jr. ang insidente at sinabing ang anumang karahasang laban sa mga media practitioner ay  pagsupil sa demokrasya.

    Binaril si Jumalon habang nakasalang sa programa nito sa 94.7 Calamba Gold FM sa mismong bahay nito sa Barangay Don Bernardo A. Neri nitong Nobyembre 5 ng madaling araw.

    PNA

    Inirerekomendang balita

    Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA

    Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA

    Posible umanong makaranas ng malalakas na bagyo ang Pilipinas mula Hunyo hanggang Agosto ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaya pinaghahanda na ang publiko hinggil dito. Ayon sa PAGASA, sa ulat naman ng '24 Oras' ng GMA Network, posibleng mabuo ang malalakas na bagyong ito sa pagsasanib-puwersa ng habagat at Super El Niño....

    'Nagsagip sa mga buhay sa Senado!' Sen. Robin, ibinida si Mao Aplasca

    'Nagsagip sa mga buhay sa Senado!' Sen. Robin, ibinida si Mao Aplasca

    Nagbigay ng matinding depensa si Sen. Robin Padilla para kay Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kasunod ng naganap na kaguluhan sa Senado noong nakaraang linggo. Sa isang Facebook post, iginiit ni Padilla na si Aplasca umano ang naging dahilan upang maiwasan ang mas malalang insidente at pagkawala ng buhay sa loob at labas ng Senado. “Ang taong ito ang nagsagip sa mga buhay ng nasa loob at labas ng...

    'Lord heal our land!' SP Alan, Sen. Mark, Sen. Jinggoy pinag-pray over ng bishop

    'Lord heal our land!' SP Alan, Sen. Mark, Sen. Jinggoy pinag-pray over ng bishop

    Ibinahagi ni Bishop Oriel Ballano ang naging pagbisita niya sa Senado kung saan ipinagdasal niya ang ilang mga senador, nitong Martes, Mayo 19. Sa kaniyang social media post, sinabi ni Ballano na nagtungo sila ng kaniyang mga kasamang pastor sa Senate House upang dalawin at ipanalangin si Senate President Alan Peter Cayetano, gayundin ang dalawa pang senador na sina dating Senate President Pro...

    Features

    FEATURES

    1

    #BalitaExclusives: ‘Literal na dumilim ang paligid!’ Singing performance sa Tarlac, nasaktuhan ng rotational brownout!

    May 19, 2026

    FEATURES

    2

    Resibo ng trabaho: Alamin mga website para bisitahin mga nagawa ng binoto mong politiko

    May 19, 2026

    FEATURES

    3

    Walang Takas sa Batas: Paano kung si Gen. Torre humuli kay Sen. Bato?

    May 19, 2026

    FEATURES

    4

    #BalitaExlcusives: Aling nagtitinda ng sili, na-scam ng babaeng nagbayad ng pekeng ₱1K!

    May 19, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Bakit nagsusuot ng impeachment robes ang senator-judges?

    May 18, 2026

    FEATURES

    6

    Mga ‘red flag’ na paraan ng pangungumusta kapag may family gathering!

    May 18, 2026

    FEATURES

    7

    May bakuna na ba para magamot o makaiwas sa HIV?

    May 18, 2026

    FEATURES

    8

    #BalitaExclusives: 'Wala pa pambili ng AC!’ Aso sa Valenzuela City, tumambay sa loob ng ref

    May 17, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Ang apat na boses na ating naririnig Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo Semana Santa: Ang makilala si Kristo at lubos pa Siyang makilala Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita