Nanawagan sa mga awtoridad ang ilang senador na lutasin kaagad ang kaso ng pamamaslang kay veteran radio broadcaster Juan Jumalon o "DJ Johnny Walker" sa loob ng bahay nito sa Calamba, Misamis Occidental nitong Linggo.
"I strongly condemn what had happened there. Karumal-dumal po ang ginawa nila. I saw the video and I can't even get that scene out of my head of what happened. My goodness, these people should be apprehended. These people should be put to justice at the soonest possible time," pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.
National
Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Nanawagan din si Zubiri sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang sunud-sunod na karahasan sa Misamis Occidental.
"I'm from Region 10 and you know it's so peaceful sa amin sa Misamis Oriental, Bukidnon, Cagayan de Oro, lalo na ang Camiguin, and even Lanao del Norte. But when you're talking about political killings, unfortunately Misamis Occidental still have to figure out how to control these politically motivated killings and I think the President [Ferdinand R. Marcos Jr.], through the regional director of the PNP, should really put a large presence of our Philippine National Police force in that province," pahayag ni Zubiri.
Naglabas din ng pahayag si Senator Ronald dela Rosa at umapela sa PNP na lutasin kaagad ang kaso.
"I am exhorting the PNP particularly the RD, [Police Regional Office] PRO-10 and [provincial director] PD Misamis Occidental to resolve this case at the soonest possible time because regardless of the real motive of the crime, people would immediately assume it to be work related and the first group of people that we don't want to be discouraged from doing their job is the media," anang senador.
Kinondena rin ni Senador Ramon Revilla, Jr. ang insidente at sinabing ang anumang karahasang laban sa mga media practitioner ay pagsupil sa demokrasya.
Binaril si Jumalon habang nakasalang sa programa nito sa 94.7 Calamba Gold FM sa mismong bahay nito sa Barangay Don Bernardo A. Neri nitong Nobyembre 5 ng madaling araw.