Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 23, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes

    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes

    By
    Rommel Tabbad
    November 06, 2023
    In
    BALITA National
    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes
    (Department of Transportation/FB)

    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes

    By Rommel Tabbad
    November 06, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Nag-aalok ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay ngayong Lunes, Nobyembre 6, para sa mga menor de edad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children's Month.

    Makakasakay nang libre sa peak hours mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ang mga batang may edad na 18 pababa, kabilang ang mga estudyanteng nasa kinder, elementarya, hanggang senior high school.

    Kinakailangan lamang magpakita ng valid school ID sa mga security personnel sa istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.

    "Nakikiisa po ang buong linya ng MRT-3 sa pagdiriwang ng National Children's Month ngayong buwan ng Nobyembre. Nawa po sa aming libreng sakay ay maipadama namin sa ating mga kabataan ang aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang galing at husay, na siyang magiging pundasyon ng ating maunlad na bayan," pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino.

    Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children (CWC) para sa espesyal na okasyon, at bilang pagpupugay sa mga kabataang Pinoy.

    Inirerekomendang balita

    NAIA Terminal 1, nag-abiso sa power interruption simula Agosto 24 hanggang 26

    NAIA Terminal 1, nag-abiso sa power interruption simula Agosto 24 hanggang 26

    Inanunsyo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magkakaroon ng maikling power interruption ang kanilang Terminal 1 bilang parte ng kanilang preventive maintenance sa electrical equipment.  Batay sa anunsyo ng NAIA, ang naturang power interruption ay magaganap sa mga sumusunod na araw at oras:  Lunes, Agosto 24 - 11:30 PM Martes, Agosto 25 - 4:00 AM at 11:30 PM Miyerkules, Agosto 26 -...

    Impeachment trial, minamatahang ilipat tuwing hapon simula Setyembre

    Impeachment trial, minamatahang ilipat tuwing hapon simula Setyembre

    Posibleng ilipat sa hapon ang paglilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte sa Senado simula sa susunod na buwan upang magkaroon ng sapat na oras ang mga senador bilang impeachment court at hindi maantala ang regular na sesyon ng kapulungan. Ayon kay Sen. Ping Lacson noong Sabado, Agosto 22, mas nakikitang praktikal ng mayorya ng mga senador na ilaan ang umaga para sa mga gawaing...

    VP Sara, pinasisigurong di napag-iiwanan ang wikang Filipino

    VP Sara, pinasisigurong di napag-iiwanan ang wikang Filipino

    Nagbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto. Sa isang video statement na inilabas ng Office of the Vice President (OVP) nitong Linggo, Agosto 23, hinikayat niya ang publiko na tiyaking hindi naiiwan ang wikang Filipino sa pagpasok ng makabagong teknolohiya. Aniya, “Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, siguruhin natin na...

    Features

    FEATURES

    1

    BALITAnaw: Mga parangal at legasiyang inukit ni 'Black Mamba' sa hardcourt

    August 23, 2026

    FEATURES

    2

    Lalaking pinakyaw paninda ng isang kakanin vendor, kinaantigan

    August 23, 2026

    FEATURES

    3

    KILALANIN: Sino si Nagmalitong Yawa?

    August 22, 2026

    FEATURES

    4

    Pasahero, pinakisuyuan ng tsuper replayan chat sa kaniya

    August 22, 2026

    FEATURES

    5

    BALITrivia: ‘Pangbansa’ o ‘Pambansa?’ Kailan nagbabago ang /-ng/ bilang /m/ o /n/ sa isang salita

    August 22, 2026

    FEATURES

    6

    Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

    August 22, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

    August 22, 2026

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

    August 22, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita