Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 26, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes

    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes

    By
    Rommel Tabbad
    November 06, 2023
    In
    BALITA National
    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes
    (Department of Transportation/FB)

    Libreng sakay para sa mga menor de edad, alok ng MRT-3 ngayong Lunes

    By Rommel Tabbad
    November 06, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Nag-aalok ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay ngayong Lunes, Nobyembre 6, para sa mga menor de edad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children's Month.

    Makakasakay nang libre sa peak hours mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ang mga batang may edad na 18 pababa, kabilang ang mga estudyanteng nasa kinder, elementarya, hanggang senior high school.

    Kinakailangan lamang magpakita ng valid school ID sa mga security personnel sa istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.

    "Nakikiisa po ang buong linya ng MRT-3 sa pagdiriwang ng National Children's Month ngayong buwan ng Nobyembre. Nawa po sa aming libreng sakay ay maipadama namin sa ating mga kabataan ang aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang galing at husay, na siyang magiging pundasyon ng ating maunlad na bayan," pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino.

    Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children (CWC) para sa espesyal na okasyon, at bilang pagpupugay sa mga kabataang Pinoy.

    Inirerekomendang balita

    Malacañang, nagsalita  sa ‘courtesy resignation’ ng mga BI personnel na sangkot sa pag-vlog ng Russian vlogger sa kulungan

    Malacañang, nagsalita sa ‘courtesy resignation’ ng mga BI personnel na sangkot sa pag-vlog ng Russian vlogger sa kulungan

    Inanunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Lunes, Enero 26, na natanggap na ng Malacañang ang courtesy resignation ng tatlong Bureau of Immigration (BI) personnel dahil sa umano'y pagpayag na makapagpuslit ng cellphone at umano’y masuhulan ng lagay ipinadeport na Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy mula sa siyam na buwang pagkakadetain niya sa Pilipinas...

    Cadet na kasama sa lumubog na RORO sa Basilan, nakontak pa pamilya!

    Cadet na kasama sa lumubog na RORO sa Basilan, nakontak pa pamilya!

    Nananawagan ngayon sa mga awtoridad at publiko ang kapatid ng on-duty cadet na kasama sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 nitong Lunes, Enero 26, matapos nitong makapagpadala pa ng mensahe sa kaniyang pamilya nang maganap ang insidente. KAUGNAY NA BALITA: ‘Search and rescue’ isinasagawa sa lumubog na RORO; may 332 pasaheroAyon sa naging Facebook post ni JP Punsalang, kapatid ng cadet na si...

    Hirit ni Rep. Barzaga sa opening prayer ng Kamara: 'Wala namang diyos mga buwaya doon!'

    Hirit ni Rep. Barzaga sa opening prayer ng Kamara: 'Wala namang diyos mga buwaya doon!'

    Binanatan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang opening prayer sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara nitong Lunes, Enero 26, 2026.Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Barzaga na wala naman daw diyos ang mga buwaya sa Kamara.'Bakit may opening prayer pa sa Kongreso? Wala namang diyos ang mga buwaya doon,' saad niya. Sa kasalukuyan, nananatiling suspendido si Barzaga sa Kamara magmula...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Mga hindi pangkaraniwang kaalaman tungkol sa Bibliya

    January 26, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

    January 25, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Mga puwedeng panoorin patungkol sa Mamasapano massacre at SAF 44

    January 25, 2026

    FEATURES

    4

    BALITAnaw: Dedikasyon para sa demokrasya ni ex-Pres. Cory Aquino

    January 25, 2026

    FEATURES

    5

    BALITAnaw: Buwis-buhay ng SAF 44 sa madugong engkuwentro sa Mamasapano

    January 25, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

    January 24, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Mga dapat malaman tungkol sa Autism Spectrum Disorder

    January 24, 2026

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Nakikilala ba ang personality ng isang tao base sa sulat-kamay?

    January 23, 2026

    Opinyon

    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Mga Bible verse na puwedeng maging kalakasan sa araw-araw Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw? Nicole Therise Marcelo
    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita