Inaasahang magpapaulan ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, Nobyembre 6, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki pa rin ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan dahil sa easterlies o ang mainit umanong hangin na nanggagaling sa karagatang Pasipiko.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malakas na ulan.

Medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated light rains naman ang inaasahang maranasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa amihan.

Ilang LGUs naglabas na ng guidelines para sa Undas 2024

Wala namang inaasahang matinding epekto ang mga pag-ulan dito.

Samantala, inihayag din ng PAGASA na malaki ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng localized thunderstorms.

Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.