Ibinahagi ni “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards ang isang bagay na kinaadikan niya umano nang kapanayamin siya ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano sa kaniyang"> vlog noong Sabado, Nobyembre 4.

“7 years old pa lang po ako gamer na ako. So, dumating talaga sa time na ‘yung hindi ako kumakain sa school para maipon ko ‘yung baon ko para may ipambayad ako sa computer shop,” kuwento ni Alden.

Dagdag pa niya: “I was not guided properly on that matter. Of course, siyempre ‘yung parents ko ano ba namang alam nila? So, parang in that sense naging negative ‘yung effect niya to my family. Kasi brother ko po, gamer din, e. Dalawa kami.”

Iyon daw ang adiksyon ni Alden noong panahong ‘yun. Umabot pa nga raw sa punto na nagkakasakit siya dahil hindi nakakain nang tama sa oras. Nawala lang umano ang pagkalulong niya sa games nang mamatay umano ang kaniyang ina.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“That was a wake up call for all of us. We have to take responsibility now. It doesn’t matter how old we are o how young we are during that time,” ani Alden.

Bagama’t hanggang ngayon ay bahagi pa rin umano ng kaniyang buhay ang paglalaro ng games, nagagawa na naman niyang pangasiwaan nang maayos kung ano ang mga dapat munang unahin bago magpahinga at maglaro.

“Everything in excess is bad. I have a lot of bad experiences growing up when it comes to gaming but still it’s a part of me. That’s my outlet,” saad pa niya.

Sa kasalukuyan, isinusulong ni Alden ang “positive gaming encouragement” dahil sa kabila umano ng negatibong pagtanaw dito bilang libangan, hindi maitatangging itinuturing na multibillion dollar industry ito sa Amerika.