Kinondena ng Akbayan Party ang pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon nitong Linggo ng umaga habang nagpoprograma.
“Akbayan Party strongly condemns the shameless, vile murder of broadcaster Juan Jumalon. This is an evil and horrific act that has no place in our communities,” pahayag nito.
Nakiramay din sila sa pamilya ni Jumalon maging sa mga kaibigan at kasamahan sa media.
Nanawagan din ang Akbayan sa gobyerno na tugisin ang mga responsable sa pamamaslang sa radio broadcaster.
“Akbayan stands for a free, independent, and safe Philippine Press. Jumalon's murder is not the first death suffered by the media under this administration'. The killings must stop. We call on the government to bring those responsible to justice. And to put an end to the culture of impunity and violence that continues to threaten the lives of journalists across the country.”
Samantala, kinondena rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang nangyari sa radio broadcaster.
Maki-Balita: PBBM kinondena pamamaslang sa radio broadcaster sa Misamis Occidental
Sa police report, binaril ng hindi nakikilalang lalaki si Juan Jumalon o “Johnny Walker” habang nakasalang sa kaniyang programa sa 94.7 Calamba Gold FM sa mismong bahay nito sa Barangay Don Bernardo A. Neri nitong Nobyembre 5.
Kitang-kitang hinalgot pa ng suspek ang pendant ni Jumalon.
Isinugod pa rin sa Calamba District Hospital ang biktima kung saan binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa ilalim ng labi na tumagos sa kanyang batok.
Kaugnay nito, kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang insidente at sinabing ito na ang ika-199 kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag mula noong 1986.
Bubuo na ng special investigation task force (SITF) ang pulisya na mag-iimbestiga sa pamamaslang.
MAKI-BALITA: Pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental, iniimbestigahan na!